C- 16: Back to reality

1213 Words

HINDI na nga nagkibuan ang mag-asawa sa beach hanggang sa makabalik sila bahay nina Vladimmir. Bumalik na naman sila sa pagiging estranghero sa isa't-isa. Nanlumo tuloy si Akhee at hindi niya talaga maintindihan ang kanilang relasyong meron sila. Tila okay naman na tapos bigla silang babalik sa starting line. Naisip ni Akhee baka nga ganoon lang si Vladimmir kapag may nakakakita lalo na ang kanyang nga magulang. Baka nahihiya lang ito na makita ng kanyang mga magulang na hindi sila okay na strangers pa rin sila sa isa't-isa. At para hindi mag- alala ang kanyang Papa na umaasang magkasundo nga silang dalawa. Na totoo naman magkasundo kasi hindi nag-iimikan. "Kumusta naman ang pamamasyal sa bahay niyo Akhee?" tanong ng Donya. "Okay naman po!" kiming sagot ni Akhee. "How about you, Vlad?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD