C- 7: The Wedding Day!

1519 Words
THIS the big day na inaabangan ng lahat. Dahil ito ang araw ng kasal nina Vladimmir at Akheela. Araw na matatali na sila sa isa't-isa kahit walang closure na naganap. Ang kanilang kasal ay para na ring isang arrangement wedding o gunshot wedding. Na sa mga movies lang nila kapwa napapanood. Nagsimula nang mag-martsa ang entourage. Kasunod ng mga abay at mga iba pang kasama sa kasal. Ang ate naman ni Vladimmir na si Valerie ang maid of honor ni Akhee na siyang nakahawak ss mahabang laylayan ng kanyang wedding dress. Habang magkatabi naman sina Hale at Vladimmir malapit sa altar na nakatingin kay Akhee habang naglalakad down the aisle. Katabi nito ang kanyang Papa at Tita Marga. Nasa tabi naman ni Vladimmir ang kanyang mga magulang. The entire church played with beautiful songs, napaka-romantiko ang ambiance ng buong paligid. Nakisama rin ang mga kapaliting tila kay sayang lumilipad- lipad sa simbahan. Na sa unang tingin ay aakalain mong ang dalawang ikakasal ay in love with each other. Wala kang mapupunang pagkukunwari sa dalawa. Bahagyang ngumiti si Akhee nang mapadako ang kanyang tingin kay Hale na hindi niya alam kung bakit impit itong lumuluha. Kaya bahagya pa ring napatigil si Akhee sa kanyang paglalakad. "What's the problem anak?" anas ni Samuel sa dalaga. Napayuko si Akhee at humugot ito nang isang malalim na hininga saka muling naglakad papalapit kay Vladimmir. Nagtama rin sa wakas ang kanilang mga mata na si Akhee ang unang nagbawi ng kanyang tingin. Nagpalitan sila ng mano sa kani- kanilang mga magulang at malugod na ibinigay ni Samuel ang basbas nito sa dalawa. "Ingatan mo sana ang aking anak!" sabi ni Samuel kay Vladimmir. "Makakaasa po kayo!" sagot ni Vladimmir. At tuluyan nang inabot ni Vladimmir ang kamay ni Akheela na nalalamig. Mabuti na lamang at nakasuot ito ng puting guwantes. Malalaman sana ni Vladimmir na nanlalamig ang kamay nito sa samut- saring emosyon na lumulukob sa kanya. Maya-maya pa'y magkatabi na silang nakaharap sa altar at sa pari. Nagsimula na ring manermon ang pari. "Bago ko tuluyang ipagpatuloy ang kasalang ito, mayroon bang tumututol?" sabi ng Pari. Saglit na katahimikan, at nang walang lumitaw na tumututol ay nagpatuloy na ang Pari. Ilang minuto rin ang kanilang ginugol bago nila narating ang seriously part ng sermon para sa kasalan. "Ikaw, Akheela Sabrina Morales tinatanggap mo ba si Vladimmir Aeron Tuazon na magiging iyong kabiyak? Magsasama sa hirap at ginhawa na kamatayan lamang ang siyang magkapaghihiwalay sa inyo?" tanong ng Pari. Saglit na hindi agad nakasagot si Akhee. Marahan siyang lumingon kay Hale na matiim ang pagkakatingin kay Akhee. Malamlam ang mga mata ng binata subalit sumilay ang isang ngiti na nakapagpalubag loob kay Akhee. Nagbulungan ang mga naroon. "Sana pinag-isipan mo ito ng isang milyon bago ka tumuntong ng simbahan at hindi ngayon." Anas ni Vladimmir. Napatingin naman si Akhee kay Vladimmir na matalim na ang pagkakatitig sa kanya. "Uulitin ko ang aking tanong," narinig nilang sabi ng Pari. Pagkatapos nitong inulit at napalunok pa si Akhee bago nito inilapit ang kanyang bibig sa mikropono. "Opo!" sagot nito sabay tungo. Nagpalakpakan naman ang mga naroon. Pati ang Pari ay napangiti. "Ikaw, Vladimmir Aeron Tuazon, tinatanggap mo ba si Akheela Sabrina Morales na maging iyong kabiyak sa hirap at ginhawa? Na tanging kamatayan lamang ang siyang magkapaghihiwalay sa inyo?" tanong naman ng Pari kay Vlad. "Opo, Father!" sagot nito. Mas lalong nagpalakpakan ang mga naroon. Medyo nainggit pa si Akhee kay Vlad dahil napaka- cool nitong sumagot kahit na hindi naman sila talagang close na ikakasal. Sumunod ang kanilang panunumpa bilang magiging mag-asawa na maya-maya lamang. "I, Vladimmir Aeron Tuazon which is accepted Akheela Sabrina Morales as my wife. And I will cherish her in sickness and health. In richer and poorer, untill death do us part!" sabi ni Vladimmir habang isinusuot nito ang singsing ni Akheela ss daliri nito. Kinuha naman ni Akhee ang singsing na ilalagay nito sa daliri ni Vladimmir. "I, Akheela Sabrina Morales which is accepted Vladimmir Aeron Tuazon as my husband. In sickness and in health, in richer and poorer until death do us part." Sabi naman ni Akheela." Sabi naman nito. "I know announce, husband and wife! You may now kiss the bride!" masayang sabi ng Pari. Marahang itinaas ni Vladimmir ang belo ni Akhee. Saglit silang nagkatitigan at napapikit na lamang si Akhee nang papalapit na ang mukha ni Vladimmir sa kanyang mukha. Napadilat ito nang maramdaman niya ang isang masuyong halik ni Vladimmir na medyo pumasok pa ang dila nito sa loob ng kanyang labi. Isang masigabong palakpakan ang nagpabalik sa huwisyo nilang mag-asawa. Masayang nagkatawanan ang magkabilang partido hanggang sa inihagis na ni Akhee ang kanyang wedding bouquet. Sigawan at hiyawan naman ng mga nag- agawan sa bouquet nito. Napangiti naman kahit paano si Akhee sa mga reaksyon ng mga nag-aagawan. Maya-maya pa'y isa-isa nang nasilapitan ang mga dumalo sa bagong mag- asawa upang sila ay batiin. At pagkatapos ay magkakasama na silang lahat na pumunta sa reception. Napakaraming mga bisita, meron din ang kaisa- isang kapatid ng yumaong ina ni Akhee. Umiiyak pa nga itong yumakap kay Akhee saka kinamayan si Vladimmir. Halos magkandahilo na ang bagong mag-asawa sa pag- istima sa kanilang mga bisita at mga bumabati sa kanila. Sabay abot sa mga regalo ng lahat ng mga dumalo. Maya-maya pa ay kainan na, katulad ng ibang ikinakasal nagsubuan sina Vlad at Akhee. Ganoon din sa pag-inom ng wine at paghiwa sa eight layered cake nilang dalawa. All are perfect, all are happy except sa isang pusong lihim na nasasaktan at nasusugatan ng mga oras na iyon. Kung puwede lang na siya ay maglaho na sa mga sandaling iyon ay ginawa na niya kanina pa sa Simbahan. Hapong- hapo na ang bagong kasal kaya naupo na sila sa kanilang nakatalagang uupuan. At doon na lamang nila hinihintay ang mga bumabati sa kanilang dalawa. May mga nagsayawan din at nagkantahan. Hindi rin pinaglagoas ng mga naroon na hindi sumayaw sina Akheela at Vladimmir. Naroong pinasayaw sila ng sweet music at rock music. Kahit paaano naman ay nag- enjoy ang dalawa. At noon lamang nakita ni Akhee na mas guwapo pa pala ang kanyang asawa kapag nakangiti ito at kapag nagniningning ang mga hazel nut brown eyes nitong tila palaging nangungusap. "Mauuna na ako! May gagawin pa ako mamaya at kailangan kong matapos ngayon." Pamamaalam ni Hale kay Akhee nang magkasayaw silang dalawa. "Ha? Past two pa lang ng hapon bakit tila nagmamadali ka yata?" sagot ni Akhee. Mahinang tumawa si Hale. "Hindi naman sa ganoon, pero kailangan ko talagang tapusin ang aasikasuhin ko today. Promise, babawi ako next time!" "Sige! Sinabi mo 'yan ha?" "Promise!" Saka sila nagkatawanan na dalawa. Pagkatapos ng music ay inihatid na ni Hale si Akhee sa kinaroroonan ni Vladimmir. "Congratulations sa inyong dalawa. I hope that you two will be happy!" sabi ni Hale bago ito tuluyang umalis. Tango lang ang naisagot ni Vladimmir at ngiti naman kay Akhee. Nang mapunta si Vladimmir sa mga kaibigan nitong naroon din ay agad namang nilapitan ng babaeng grupo si Akhee. "Uy girl! Congratulations! Akala talaga namin si Hale eh!" kilig na sabi ni Darlene. Pinandilatan ni Akhee si Darlene. "Baka may makarinig sa'yo sabihin pang two timer ako!" sita nito. "Sorry! Pero hindi talaga ako maka- move on girl!" muling sabi ni Darlene. Habang sina Barbara, Thalia, Monalisa at Quennie ay ngiting-ngiti naman at napapatango ang mga ito. Na ibig sabihin sang-ayon ang mga ito sa sinasabi ng kanyang mga kaibigan. "Tumigil na kayo! Nakakahiya naman kung kamag-anak ni Vladimmir ang makakarinig." Saway pa rin ni Akhee Tumigil naman sa kakadada ng dalaga. "Infairness mas yummy at hot ang hubby mo!" komento ni Thalia. "Isa ka pa!" pandidilat ding sagot ni Akhee. Humagikhik ang lahat. Natatawa rin si Akhee subalit namumula naman ang pisngi nito. "Pero ang lungkot talaga ng mukha ni Hale promise! Mula sa simbahan hanggang umalis. Kung nakita mo lang tiyak na maaawa ka." Sabi naman ni Quennie. "Tama na! Huwag niyo na akong konsensiyahin dahil we are just friends! Tapos na ang lahat, may asawa na ako!" Sagot ni Akhee. Tumango ang kanyang mga kaibigan at nag- group hug sila. Muli silang nagkatawanan at naghahgikhikan nang may ibinulong sina Barbara kay Akhee. Habang ang grupo naman ni Vladimmir ay natatawa naman sa grupo ni Akhee na maingay sa may tabi. "Bakit biglang umuwi si Hale?" tanong ni Jackson. Nagkibit balikat lamang si Vladimmir. "Hindi pa ba kayo nag- iimikan at nag-uusap?" tanong naman ni Renz kay Vladimmir. "Hindi pa. And siya ang umiiwas at siya ang nagbanta sa akin. So, I guess kapwa muna kaming magpalamig." Sagot ni Vladimmir. "Okay! Nakaka- shock naman kasi ang mga pangyayari. Siyempre nagulat din si Hale sa mga nangyari lalo pa't close sila ni Akhee." Tugon ni Viper. "Magkakaayos din kayo soon guys!" wika naman ni Eric sabay tapik sa balikat ni Vladimmir. Tumango si Vladimmir sabay taas sa hawak nitong kopita. Masaya silang magkakaibigan na nagpingkian sa kanilang mga baso. At sabay-sabay ding uminom ng alak saka pasayaw- sayaw. Kaya napapailing na lamang na napapatawa si Vladimmir sa kakulitan ng kanyang barkada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD