LIMANG araw na silang nakatira sa bagong bahay nilang mag- asawa. Hindi naman naboring si Akhee kahit sa buong bahay lang ito umiikot. Marami rin kasi itong ginagawang disenyo sa bahay lalo na ang paghahalaman kung kaya't hindi niya naramadaman ang salitang boring. Plus meron din naman siyang nakakausap kaya okay lang na makulong siya sa bahay maghapon. Hindi na tin ginawa pa ni Akhee na maglakad-lakad sa subdivision kagaya ng sinabi ng kanyang asawa. Natigilan pa si Akhee nang may mag- doorbell. Habang inaayos niya ang kanyang mga tanim na rosas. Palabas na si Amy upang buksan ang gate pero sinenyasan ni Akhee na siya na lamang ang magbubukas. Malabo namang ang kanyang asawa dahil may kotse iyon at bubusina ito kapag dumarating. Nagtataka man si Akhee ay binuksan niya pa rin ang gate at