NATULOY ang out of time nilang lahat. Pero hindi na sa abroad gaya ng sinabi ni Donya Amara noon. Nakakasawa raw ang abroad ayon sa magkapatid na Shanella at Beverly. Palibhasa kasi galing sila abroad at nagbakasyon din kaya naumay na siguro sa amoy ng abroad. Napagpasyahan nilang Baguio na lang ang destination nilang lahat. Kaya heto sila ngayon, nasa isang resort and hotel sa Baguio naka-check in. Tuwang-tuwa naman ang mga batang nagsisitakbuhan sa nadadaluyan nang alon na buhanginan. Masayang pinagmamasdan ni Akhee ang mga anak ng kanyang dalawang hipag plus ang kanilang mga supportive na asawa. Nakakainggit silang tingnan mukhang success ang marital status ng mga ito. "Ayaw mong maligo?" boses ni Vladimmir ang umuntag kay Akhee. Binawi niya ang kanyang tingin sa mga batang inaalalaya