Chapter 5

1189 Words
TIFFANY Nagising ako sa mahinang yugyog sa kin ng kung sino. Pagmulat ng mata ko ay nakita ko ang magandang mukha ng FA na si Shynette na nakangiti sa akin.  "Miss Co, we're here." Sabi nya at dali dali naman ako mag ayos ng sarili. Pagkuway si Williard naman ang lumabas galing ng C.R na mukhang nagpapahid pa ng Sanitizer. "Good Morning Sleepy head. Prince Charming and his Family are waiting at the port. We have to be there in 10 mins." Nakangiting sabi nito. Prince Charming mo lelang mo. Baka si Satanas ang tinutukoy mo. Di ko nalang pinansin ang sinasabi nya kasi tinatamad ako.  Parang cast ng Fast and Furious ang tropa nitong si Williard nasusuka ako sa pag dadrive nya. Pero infairness ang bilis nga namin na nakarating. Oh My Gosh! Eto pala itsura nito. Port Miami palang luluwa na mata ko what more pa kaya sa loob ng Cruise Ship. Siguro nga sinadya ito ni Nica so I can find the love of my life.  "Come on, naka akyat na sila sa ship." Sabi ni Williard. "Nga pala. Tiffany this is Darkus Emmete.  Mason and Lee's first cousin made in Korea." Pabirong sabi nito. Bahagya lang iyong ngumiti at saka na tumalikod. Kaya pala gwapo din iyon katulad ng magkapatid kaso talaga sigurong may lahi silang may saltik. Galit sa mundo ang mga impakto. "I dont want to be late baka gusto nyong bilisan." Sabi ng hayop habang naglalakad. Hindi ko mapigilan ang hindi kabahan habang naglalakad kami papalapit sa cruise ship. Dyosko magkikita nanaman kami ni Mason nakakahiya eh. Sana di ko nalang sinabi ang sinabi ko sakanya. Bahala na nga. -------------------------------------- Tiffany's eyes opened wide when she got inside. Di sya makapaniwalang nasa loob sya ng barko dahil sa mukhang palasyo ang kanyang nilalakaran ngayon. "Nga pala, si Darkus ang may ari nito." Sabi ni Williard sakanya ng naglalakad sila, napalunok sya. As far as she knows azamara is the top grossing Cruise ship in the US.  "Buti sya yung nag sundo satin?" Nagtatakang tanong nya kay Will. "Of course he's in the area. And he was told by Lee. Their family's tradition is Elders should be followed by the younger ones, kaya kahit sya pa may ari ng buong mundo he will follow Lee or Mason's orders." Patangu tango sya habang nag kukwento iyon. "This ship have 12 decks and 12 swimming pools. We have a bar at the top deck, there's also one near the port side." Pag muwestra noon kay Tiffany habang naglalakad sila paakyat. "We are on the 3rd deck so we're taking the stairs. Masyadong maalog kung duon tayo sa top deck kaya dito tayo nilagay ni Darkus." Pagpapatuloy nito. Napansin nalang nya na nasa 3rd deck na sila ng marinig si Lhea. "Ninang Tita you came!!!" Excited na sabi niyon habang tumatakbo at nakabukas ang bisig na papalapit sakanya. Lumaki naman ang kanyang ngiti ng makita iyon. Niyakap at kinarga nya ito ng makalapit sakanya at otomatiko naman syang hinalikan sa pisngi. Pagkuway ibinaba nya ito.  "Ninang Tita lets go, andun sila po sa malaking table." Itinutukoy ni Lhea ay ang restaurant ng barko. Napaka elegante at walang masyadong tao. Mga serbidora lang ang naroon at ang kaniyang bestfriend. Nagulat sya ng makita doon si May katabi ni Nica ng table at nagtatawanan sila.  "Mommy Daddy!! Andito na si Ninang Tita!" Napalingon lahat sa kanilang tatlo nila Williard ang mga tao sa mesa.  "Oh my gee!! Bruha ka!! Been a while!" Hindi na nakapag hintay si May at ito na ang tumayo sa upuan nya at niyakap sya ng mahigpit. "Bakit wala ka nung kasal ah? Miss ka na rin namin." Turan nya dito. "Wag ka ng magtampo. Nasa cruise ship kasi ako, nag apply ako bartender dito." Nanlaki ang mga mata nya ng marinig ang sinabi ng kaibigan. "Wait... Dito ka nagwowork? Dito sa barko?" Gulat na gulat na sabi ni Tiffany. Tumango ang kanyang kaibigan. "So boss mo si..?" Tinutukoy nya ay si Darkus. Tumango naman si May at natutop ang kanyang bibig. Iginiya na sya ni May sa mesa at pinaupo sya nito sa kabilang side ni Nica. Si Lee ay nasa kabilang dulo katabi si Mason na nakikipag kwentuhan sa iba pang mga kalalakihan doon na halatang lahat may kaya, mga sophisticated na kala mo may mga palasyo, Mga hayup. Saglit na nagyakapan sila ni Nica ng patunugin ni Nica ang kanyang baso gamit ang kutsara nito. Lumingon naman ang mga kalalakihan na naroon. Awtomatikong napalunok sya ng sa kanya nakatingin ang mga ito. Shet. Hangugwapo nyu mga haufff.  "Guys meet my bestfriend. Tiffany. She's like a sister to me. Please introduce yourselves po.." Magalang na turan ni Nica sa mga ito. Kumaway sakanya ang isang napakagwapong lalaki na suot ng white na polo na nakatupi hanggang siko. "Hacket Easton Saunders. Just call me East. Mason's Cousin. I'm Single and ready to mingle." Anito sakanya at saka kapansin pansing tumingin ito kay May bago tinungga ang iniinom na brandy. He's so hot. Lalaking lalaki itong tignan dahil sa balbasaradong mukha and he looks more an american. Dagdag pogi points din tong long hair nya. "Larody Arthur here just Thor. Cousin. Single but not ready to mingle." Nakangiting pakilala ng isa ring kamukhang kamukha ni East. "Oh and yes. This bastard is my twin." Turo nito kay East at sabay silang tumawa sakanya.  "Darkuz, you know me already." Sabi naman ng lalaking nagsundo sakanila kanina na mas kamukha ni Lee. Enjoy na enjoy sya sa natatanaw nya dahil napapalibutan sila ng mga Lalaking kala mo mga anak ng Dyos sa kagwapuhan. Kumaway naman sakanya si Steep. Nginitian lang niya ito. Habang enjoy na enjoy sya sa kakatingin sa mga lalaking kaharap ay nahagip ng tingin nya ang lalaking malamlam na nakatitig sa kanya na umiinom ng alak. Tila kumabog nanaman ng malakas ang kanyang dibdib. Nanlamig ang kanyang mga kamay. Grabeng epekto sakanya ni Mason. Bahagya itong ngumiti sakanya ng mag tagpo ang kanilang mga mata. Shh pakitang tao.  Tinanguan lang nya ito at saka na nagiwas ng tingin baka kasi lalong manginig ang kanyang mga kamay at paa. Pag katapos kumain ay saka na sya hinatid ni Nica sa kanyang kwarto. Hindi ito ganoon kalaki pero kakasya ang tatlong tao sa kama at napakaganda ng sofa na malapit lang sa kanyang higaan. "Short tayo sa rooms so we have to share beshie. Si May kasi may kashare na ee special request sya. Wag kayo magagalit sakin ah, ma rape man kayo malalaki na rin kayo." Pilyang ngiti ni Nica sakanya. Gulat na gulat naman sya sa tinuran ng kaibigan. "Joke lang besh. Lam naman namin alam nyo na ginagawa nyo. He he." Hindi na sya hinintay na mag reklamo nito. At saka na humalik sakanya at lumabas. What the fudge? Seryoso ba to? May ka share sa room tas lalaki? Dyos ko mahabagin. Nasambit nalang nya sakanyang loob. Maya maya ay bumukas ang pintuan at nagulat sya sa taong pumasok doon. Hindi sya mapakali at bigla nalang syang humiga at saka na nag panggap na tulog ng hindi man lang nagtatanggal ng sapatos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD