Chapter 22: Decision YRON's P.O.V "K-kuya..." dinig kong tawag sakin ni Kianna. Pinilit kong wag syang lingunin para maipakita sa kanya na hindi ako interesado sa gusto niyang sabihin. "B-buntis ako k-kuya..." gumaralgal na sya ng sabihin ang mga katagang 'yun dahilan para makaramdam ako ng saya na pilit kong tinatago. Pinilit kong tanggalin lahat ng emosyon na nararamdaman ko para maipakita sa kanyang wala akong pakialam. Humarap ako sa kanya na may malalamig na titig para makita ko ang pag patak ng luha niya na labis na nagpakirot sa puso ko pero pinilit kong wag ipakita sa kanya yun. "K-kuya... B-buntis ako! I-ikaw ang ama!" pumiyok na sya ng sabihin niya ang huli. Gusto ko syang yakapin at patahanin dahil nakita ko ang sunod sunod na paghikbi niya pero mas pinili kong wag syang lap