Epilogue: The Finale YRON's P.O.V "Yron totoo bang aalis kana sa Knight of Aces?" sabi ng isang reporter sakin paglabas ko ng opisina ng manager Lory. "Yes it's true and not a rumor." sabi ko saka ngumiti ng tipid. "Kamusta naman ang buhay may asawa Ace K?" sabi ng isang reporter kaya naman napangiti ako. "It was fun and heartwarming. Having a good wife is the best gift in my life." sabi ko sa kanila kaya naman napangiti sila sa sinagot ko. Saka ko dumiretso sa dating dressing room namin ng makita ko si Dwight. "Yron balita ko nanalo kayo sa kaso ng Dad mo? Hindi ka ba pupunta sa hearing?" sabi ni Dwight sakin kaya ngumiti lang ako saka umiling. "Hindi na. Dapat lang sa kanya yon." sabi ko saka ko inayos ang mga gamit ko. "Wala ka na bang balak bumalik sa KIA? Sure kanang aalis ka