Aaden POV Habang yakap ko ito ay hindi mapigilan ng katawan ko ang matinding panginginig dulot sa pagragasa ng emosyon sa aking puso. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Sana ay totoo ang lahat ng nagaganap ngayon at hindi isang panaginip lamang. Sana ay totoong yakap ko ito at hindi isang ilusyon lamang. Ramdam ko ang t***k ng puso nito sa sobrang pagkakadikit ng aming mga katawan. Bahagya ko ito inilayo sa akin at hinawakn ng aking mga palad ang magkabilang pisngi nito upang aking masilayan ang maamo nitong mukha. Tinitigan ko ito at pinalandas ang aking mga mata sa buong mukha nito. Tila tinatatak muli sa aking puso at isipan ang bawat parte nito. Nagkasalubong ang aming mga mata at nagkatitigan. Hindi na kailangan ng anumang mga salita para sabihin kung gaano kami nasasabi

