Aaden's POV Alam kong kahangalan ang gagawin ko ngunit ito lang ang naiisip ko kahit pa pinipigil ako ni Keizha sa gagawin ko. Pahakbang na ang mga paa ko palabas ng sasakyan nang tumunog ang cellphone ko. Mabilis akong bumalik sa pagkaka-upo ko at tiningnan ang tawag. Nakita kong kay Ismael galing ang tawag. " Huwag na huwag mong balakin na bumaba ng sasakyan, Aaden! Sinasabi ko sai yo. Bilang kuya mo ay dapat mo aking sundin. Masyadong malakas ang kinuhang grupo ni Catarina. Paresponde na kami at malapit na kami diyan. " bulyaw nito at tila kuya na kinagagalitan ako. Naka-on ang GPS ng phone ko kaya mabilis nila na-detect ang lokasyon namin. " Okay, masusunod! " sagot ko kaagad at nanahamik sa kinauupuan ko. Niyakap ko si Keizha dahil kita ko an

