Calix POV Naghintay muna ako ng mga ilang saglit bago ako kumatok sa pintuan. Nakangiting bumungad sa akin ang Mommy ni Keizha. " Ikaw pala, Iho! Tara at pumasok ka sa loob! " nakangiti ako nitong inayang pumasok sa loob. Tumango naman ako at agad sumunod dito. " Sakto at nakapagluto ako ng meryenda kanina. Magugustuhan mo iyon kung mahilig ka sa gata. Ginataang halo-halo ang niluto ko at masarap iyon dahil hindi ko tinipid sa gata. Naku! Kung nandito lang si Keizha ngayon ay siguradong nalantakan na nila ng kuya niya ito. Ang problema wala naman dito ang baabeng iyon at ang kuya naman niya ay nasa bahay ng kaklase at magpapractice daw ng banda at sasamantalahin na na-suspend ang klase ng isang linggo dahil sa nangyari. " nakangiti niton

