Keizha's POV Malalakas na kahol ng mga aso at tilaok ng mga manok ang nagpagising sa akin. Naramdaman ko ang isang mabigat na bagay na nakadagan sa bandang beywang ko at nang tingnan ko ay ang hita pala ni Aaden na nakapatong ang naroon. Napatitig ako sa mukha nito habang mahimbing pa rin ang kanyang pagtulog. Isang nakakalokong ngiti ang pumaskil sa aking mga labi at inabot ng aking mga labi ang tainga nito at mahinang kinagat. " Ahh! " daing nito at biglang nagising dahil sa ginawa ko. Pinigilan ko ang pagtawa kahit ang pagngiti. " Ano iyon? " parang naiirita pa nitong tanong at napahawak sa tainga niyang kinagat ko kanina. " Alin? " tila walang anumang tanong ko at kunwari'y nagtataka pa dito. Tumitig ito sa akin a

