Elijah POV Malakas ang kalabog ng dibdib ko sa kalokohang ginagawa ko ngayon na alam na alam kong isang malaking pagkakamali. Pero nandito na ako sa sitwasyon na ito at hindi na ako makakaatras pa. Lalo na at kilala na ako ng lolo ni Aaden at binantaan akong kailangan matuloy ang plano namin at matupad. Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko at nag-doorbell na sinundan ko pa ng malalakas na katok. Lumingon ako at nakitang pababa na sa yate ang mga tauhan ng matandang don. Kumatok at nag-doorbell ako pero wala man lang kahit anong respond mula sa mga tao sa loob. Wala kahit na anong kaluskos o yabag man akong naririnig. Lumalakas lalo ang pagtahip ng aking dibdib sa matinding kaba at namumuo na rin ang pawis sa aking noon. Pinunasan ko ito ng isang braso ko at m

