Don Carson's POV Malamig na kapaligiran na dulot ng aircon sa loob ng aking opisina. Nakatanaw ako sa salamin na pader mulsa palapag na kinaroroonan ko ngayon. Mataas ang sikat ng araw at lahat ng tao na natatanaw ko mula sa kabilang building ay abala sa kanilang ginagawa. " Kamusta na kaya ang apo ko? Ngayon ang araw ng pangako niya na papasok na siya pero alas nueve na ng umaga ay wala pa ito. " tanong ko mula sa aking isipan. Tila naman tinadya ng tadhana at isang katok ang aking narinig. Tumalikod ako mula sa pagtanaw sa pader na salamin at inayos ang upo ko sa harap ng aking office table bago sinagot ang katok. " Pasok! " malakas puno ng awtoridad na utos ko sa kung sino man na nasa labas. Ganoon ang paglaki ng ngiti ko nang s

