END

2060 Words
IT WAS an exhausting night. Akala ni Sam ay aabutin sila ng isa pang araw sa Mindanao ngunit isang magdamag lang pala ay may malaki na silang istorya. Nasa airport na siya kasama si Byron at hinihintay na lamang na tawagin ang flight nito to board. Magpapaiwan muna siya roon para hintayin ang iba pa niyang kasama na may tinatapos lang gawin. "Sam, you're the best," bati ni Byron. "At isa ka na ring TV reporter ngayon, ha!" Ngumiti lamang siya, lalo na nang mapansin ang madungis na hitsura nito. Kunsabagay, wala naman siyang ipinagkaiba rito. Mas madungis pa nga yata siya dahil kuntodo dive pa siya habang live na nagre-report sa telebisyon sa gitna ng putukan. "Hindi ka yata masaya?" puna nito. "That's not the kind of reaction you give after a tough assignment. Nami-miss mo siya, ano?" "Sino?" "Nathaniel Figueroa." Napailing ito. "Sam, you and my friend really have to make things clear between the two of you. Minsan, gusto ko na kayong pag-untuging dalawa para lang matauhan kayo." "Boss, ang problema, wala naman kaming aayusin." "Meron. Dito." Itinuro nito ang dibdib bago ginulo ang magulo na niyang buhok. "Masyado kasi kayong ma-pride. Sam, minsan, may mga oras na hindi mo na kailangan pang pag-isipan ang isang bagay. You only have to feel it to know what it is." Napalatak ito. "Oo nga pala. Hindi ko dapat sinasabi ito sa iyo kundi doon sa bulag kong kaibigan. Pero, Sam, kapag lumapit sa iyo uli si Nathan, sana ay bigyan mo siya ng chance na makapagsalita. I know my friend. Hindi kasi siya marunong mag-express ng nararamdaman niya. Ewan kung natural lang iyon o dala ng katangahan." Umiling-iling pa ito. "What's that got to do with me?" Kahit alam na alam naman niya ang ibig nitong sabihin. Wala lang siyang masabi dahil binabayo ng matinding kaba ang kanyang dibdib. Could it be? Could it possibly be...? "Alam mo, bagay nga kayo ni Nathan. Maabilidad sa ibang bagay pero pagdating sa usaping pampuso, pareho kayong tanga." "Aray ko! Boss, naman." Noon naman tinawag ang flight number nito. "O, paano, Sam? Mauuna na ako sa iyo sa Manila. May importante pa akong aasikasuhin, eh." Tumango siya. Something was telling her to do some-thing. Pero ano iyon? She racked her brain for the answer. Nothing. "Boss, sabay na ako sa iyo." Magpapapalit na lang siya ng oras sa ticket niya. "Good. Tutal, maaga pa naman, I'll just call my friends to fetch us at the airport." Napahinto siya sa paglapit. "Don't worry. Hindi si Nathan ang tatawagan ko." *************************************************************************************** NAUNA sa arrival area si Byron dahil may kinuha pa si Sam na bagahe sa baggage area ng airport. Titingnan na rin daw nito kung naroon na ang sundo nila. Palabas na siya nang mamataan ang isang pamilyar na bulto na nakaupo sa isa sa mga benches sa waiting area. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Alam niyang sinabi niya kay Byron na ayaw niyang makita roon si Nathan ngunit ipinagpasalamat na rin niyang sinuway nito ang hiling niya. She could see Nathan now, all too clearly. He was slumped forward on one of the benches, his face buried in his hands, his elbows resting on his thighs. Suot pa rin nito ang damit na suot nito nang umalis siya. Naroon ba ito buong magdamag? Marahil ay naramdaman nitong papalapit siya rito dahil nag-angat ito ng mukha. Nang mga sandaling iyon ay hindi niya alam kung tatakbo palapit dito o babalik na lang sa loob ng airport. But she did neither. Tila napako ang mga paa niya sa kinatatayuan. Lumapit ito sa kanya. He was more wonderful than she had remembered him. He seemed bigger, broader and incredibly handsome. Iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi maalis ang mga mata ng ilang tao roon sa pagkakatingin dito. "You came back," anas nito hustong makalapit sa kanya. "Mabilis na natapos ang trabaho ko," aniya na pilit kinakalma ang nagwawalang t***k ng kanyang puso. "You look haggard. Didn't you sleep?" Hinimas nito ang pisngi at baba na unti-unti nang tinutubuan ng balbas, then brushed a hand through his hair. Ngumiti ito. "Look who's talking. You're a mess yourself." She could sense that he wanted to say something but could not find the words. Tila ba nahihirapan ito. Pero wala iyon kompara sa nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Pilit niyang pinipigil na makita nito ang tunay na damda— Nahihirapan ito? Tumingin siya sa mga mata nito. His eyes were telling her something, na para bang hinahayaan siya nitong basahin doon ang damdamin nito. "Give him a chance to talk," sabi ni Byron. Pinalis niya ang ideyang iyon nang mahagip ng kanyang mga mata ang ilang taga-media na umaali-aligid sa kanila. "I have to go. Baka kasi may makakita pa sa ating reporter na magkasama, mapahiya ka na naman." "Will you stop thinking about me?" galit nitong sigaw. "Yeah, maybe I should start doing that," mahina niyang wika. "No, that's not what I meant. Ang ibig kong sabihin ay—" Huminto ito at tila iniisip nang husto ang sasabihin. "Sam, I know I'm stupid when it comes to this crap. But still, I want you to listen. Hindi ko alam kung bakit at ano ang nangyari sa atin na hindi natin naintindihan. Kahit ako ay wala ring ideya kung bakit humantong sa ganito ang lahat..." Maniniwala na sana siya sa mga sinasabi nito ngunit napansin niya ang pagsulyap-sulyap nito sa kanyang likuran. And she didn't have to turn to know what was getting his attention. Dahil kitang-kita niya sa salaming dingding na nasa bandang likuran nito kung ano iyon. He was reading a placard held by his friends! "'Look, Sam, maybe I'm just a hopeless romantic, but, dot dot dot—'oh, heck!" Talagang hahalakhak sana siya kung hindi lang niya naisip na baka ma-offend ito. Isa pa, gusto rin niyang marinig ang nais nitong sabihin bukod sa kodigo nito sa likod niya. "Sam, what I'm trying to say is that, I don't want to go on pretending that there's nothing going on between us. Ever since we met, my life had been changed. I always thought I'm contented with what I have. Until you came, driving your way into my heart. Akala ko noong una, normal lamang iyon dahil nagandahan ako sa iyo." "Really?" Pinigil niya ang sariling mapangiti. "Pero sabi mo, I'm not the type of woman you will want?" "Siguro nga. But who cares? I've been living in hell since we parted. I like you, Sam, at iyon ang importante." "That's it? You 'like' me?" "Well, maybe I like you a lot." Hindi iyon ang gusto niyang marinig mula rito. Tinitigan niya ito. Tila naman nakahata ito. "Don't push it, lady." "Ah, ganoon? O, sige, good-bye." Akmang tatalikod na siya nang mahagip nito ang kamay niya. Mukhang wala na itong balak na pakawalan pa siya. She smiled at herself. Hahayaan lang niya itong magsalita, until she heard those three words. Isa pa, gusto rin niyang makabawi sa mga panahong iniyakan niya ito. "Okay, I admit. Kadalasan ay ako ang gumagawa ng paraan para lalong mainis si Xander sa akin. Alam ko kasing sa inyo nagkakampo iyon kapag umaalis ng bahay nina Mama. That way, may rason na ako para magpunta sa inyo o kaya ay makausap ka." Kinikilig man ay nagpakipot pa rin siya. "Ha? Bakit?" "I don't know. Siguro dahil gusto kitang laging nakikita. Siguro nga mahal na kita." Did she hear him right? Lumabi siya rito. "What about your idea of a perfect woman? I'm not even sophisticated at napakarami kong flaws." "I know you're not perfect. Ako rin naman ay ganoon. At batid ko rin na dahil sa mga katangian mong iyon kaya ako nahumaling sa iyo." Ginagap nito ang mga kamay niya. "Maybe you're not my idea of a perfect woman but that didn't stop me from loving you." "Ang tagal mo naman bago naisip 'yan." "Because I couldn't accept that I'm falling for the wrong woman. When I kissed you, doon ko na-realize na ikaw pala talaga ang kailangan ko, that it's okay to fall for the 'un'-ideal woman just as long as she's the right one for you. And, Samantha Adriano, you're the right one for me. Sana ay tanggapin mo ako sa buhay mo." Nakita niya sa mga mata nito ang sinseridad. And she could not speak. Tila nagkaroon ng bikig sa kanyang lalamunan. "Malakas akong kumain." She was giving him a chance to withdraw his proposal. Although kapag nag-back out ito, siya na mismo ang papaspas ng ligaw rito. Come hell or high waters! "I can provide a ration. I can even cook for you." "Kaskasera ako sa kalsada." "We could use your skill with the kind of traffic in Manila." "Madaldal ako." "At least, merong aaliw sa akin kapag nabo-bore ako." He gathered her in his arms. "Any more excuses?" "Pakialamera ako," hirit pa niya. "Salamat at pinakialaman mo ang puso ko, at dumating ka sa bahay ko sa Rancho Estate. You're the only woman who ever stepped into my house. And somehow, you even managed to step into my life, too. So, please lang, Sam, tigilan mo na iyang kahahanap mo ng dahilan para lumayo ako sa iyo. I told you last night, I won't let you go." Narinig niyang may mga naghihiyawang mga tao sa paligid nila. And she could swear she heard Christian and Andi's voices. Sinulyapan niya ang salamin sa likuran ni Nathan. Nakita niya ang mga ito, may hawak na placard na may nakasulat na Go For It. "I'm waiting for your response, Samantha Adriano." Maluwag ang pagkakangiti ni Nathan habang titig na titig ito sa kanya. And she was waiting for him to kiss her. "I-I don't know..." aniya ngunit ang totoo ay tinutukso lamang niya ito. "It doesn't matter. Just say those three sweet words. I want to hear them." "Baka marinig tayo ng mga reporters." Nakatutok na kasi sa kanila ang atensiyon ng mga dumarating na media men na galing ng Mindanao. "I'm going to spend the rest of my life with a woman from their circle." Kinintalan siya nito ng halik sa mga labi. "I don't care anymore. Now, let's hear those three words." Saglit siyang nag-isip. "Ah... I am hungry?" Humagalpak siya ng tawa nang biglang nalukot ang guwapo nitong mukha. "Just kidding. Pero gusto ko munang marinig ulit iyong sinabi mo kanina. 'Yong may 'dot dot dot'?" Nagmamakaawa ang mga mata nitong tumingin sa kanya. "Sige na, please? Guwapo ka naman, eh. You can do it." "Matagal ko nang alam iyan. Ikaw lang naman ang hindi nakakakita sa kaguwapuhan kong ito." "Anong hindi? Hindi mo lang alam kung paano akong 'di makatulog kapag naiisip ko ang hitsura mo. Ikaw kasi, 'di mo man lang nahalata na nagseselos ako sa kahit sinong babaeng lumalapit sa iyo. Iniiyakan ko pa ang mga 'yon." Nagbago ang expression ng mukha nito. "Talaga?" "Oo na, kaya huwag ka nang magtampo riyan." Bumuntong-hininga ito at siya naman ay lihim na napangiti. Nakita kasi niya sa salamin na muling itinaas ng mga kaibigan nito ang placard. Crazy men. Nag-umpisa itong mag-monologue. Funny. Noong si Francis na halos araw-araw ay inaalayan siya ng "tula" ay nanghihilakbot siya sa sobrang ka-corny-han nito. Pero kay Nathan ay iba ang pakiramdam niya. Feeling niya, daig pa niya ang Queen Mother sa pagkakatitig nito sa kanya habang nagsasalita. She felt the most treasured woman in the world. "Sam, maybe I'm just a hopeless romantic, but dot dot dot—" Iritado nitong binalingan ang mga kaibigan. "Why did you even put those stupid dots, anyway?" Tuluyan na niyang pinakawalan ang pinipigil na tawa. That piece will never fail to amuse her. She was sure of that. "Forget about the dots." Masuyo niyang ikinawit ang mga braso sa batok nito. "Thank you for accepting me as I am, for loving me the way you do. I love you, Nathaniel Figueroa." "Aye, you do?" A mischievous smile curved his lips. Bumaba ang mukha nito palapit sa kanya. He was about to kiss her nang marinig nila ang hiyawan ng mga kaibigan nito. "Hey, man! Nasa gitna kayo ng airport... mahiya naman kayo sa amin." Binale-wala iyon ni Nathan. He held her tight and kissed her for all the world to see. Nag-flash ang mga cameras. They would be in the papers the next day. But who would care? •••WAKAS•••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD