NAIS ni Nathan na pagalitan ang sarili. Mamumuti yata ang buhok niya sa Sam na ito. Ang totoo ay alam na niya ang pangalan nito. Pinuntahan niya ang sinabi nitong motor shop at nakita niya roon ang FX nito. Nakapag-tanong na siya roon. Kapatid nito ang may-ari niyon.
"Look, I don't like you and you hate my guts. Fine. But let me have my license back at pangakong hindi na kita guguluhin pa."
He couldn't believe he was begging this woman. Kapag nalaman iyon ng kanyang mga kaibigan ay siguradong pagtatawanan na naman siya ng mga iyon. Na siya, si Natahaniel Figueroa, presidente ng isang malaking kompanya at pinag-aagawan ng mga babae sa alta-sosyedad, ay nakikipagtawaran sa mukhang teroristang babae.
Well, aaminin niyang hindi naman talaga mukhang terorista si Sam. Kakaiba ang angkin nitong ganda. She could pass his taste for women. Amazona nga lang yata talaga.
Ang bibig lang nito ang tila armalite ng terorista. And she had a nice body, too.
"Wala sa akin ang lisensiya mo."
"Ubos na ang pasensiya ko, Sam." At dapat na rin niyang tigilan ang kapupuna rito.
"Eh, ano ngayon? Sinabi ko nang wala sa akin ang hinahanap mo. Wala kang makikita sa akin kahit kapkapan mo pa ako."
"Bakit hindi?"
But instead, he swept her off her feet—literally. And dropped her inside his car—again, literally.
"Aray! Ano ba'ng ginagawa mo?"
"I'm planning to salvage you," he said through gritted teeth.
"T-teka...baka naman puwede nating pag-usapan ito?"
Gusto niyang tumawa nang bigla itong naging tila maamong tupa. Mabuti naman at nahalata na rin nitong nagagalit na siya.
"Okay." Binuhay na niya ang makina ng sasakyan. "Nasaan ang lisensiya ko?"
"Babayaran mo ba ang damage ng sasakyan ko?"
"Oo na!" inis na sabi niya. Kahit hindi lang naman siya ang may kasalanan sa nangyaring iyon.
"Huwag mo akong sigawan!" Mataas na rin ang tinig nito. "Bakit kasi hindi mo sinabi na babayaran mo ang damage sa FX ko? Nagsigawan pa tuloy tayo. Iliko mo na riyan sa susunod na street."
Napabuntong-hininga na lamang siya habang tinatahak ang direksiyong ibinigay nito.
Hay, talaga bang mayroong babaeng ganito sa mundo? Na-culture shock yata siya rito. Sa tanang buhay niya, he had never met a woman who couldn't seem to shut her mouth. Parang walang kapagurang magsalita nang magsalita.
*************************************************************************************
HUMIMPIL ang kotse ni Nathan sa harap ng may-kalakihang motor shop ng Kuya Roger ni Sam. Halos sabay sila nito na umibis ng kotse. Agad niyang narinig ang tili ni Christian na palapit sa kanila. Napatingala siya sa langit.
Bago pa ito makalingkis kay Nathan ay nahila na niya ang braso nito. Ilan sa mga mekaniko roon ang natawa sa ginawa niyang iyon kay Christian.
"Saan ka pupunta?" tanong niya rito.
"Aray, Ate Sam, naman!" reklamo nito na nagpapungay pa ng mga mata kay Nathan. "Hi, papa!"
Itinulak niya ito palayo. Kitang-kita niya ang pagkabigla sa mga mata ni Nathan.
"Mahiya ka nga, Christian," pabulong na sabi niya rito. "Para kang hindi lalaki, ah."
"Look who's talking?" sarkastikong sabi nito. "Ikaw nga riyan, eh." Muli nitong sinulyapan si Nathan.
Napasulyap din siya rito. Nawala na ang pagkabigla sa mga mata nito, bagkus ay napalitan iyon ng amusement. Marahil ay dahil sa eksena nila ng kapatid. Ngunit may iba pa siyang nababasa roon habang nakatitig ito sa kanya.
Muli niyang binalingan si Christian at hinila niya ito papasok sa kanilang bahay.
******************************************************************
IBIG matawa ni Nathan sa nasaksihang eksena nina Sam at Christian. Marahil ay kapatid nito ang huli. Kung hindi lang talaga awkward ay baka malakas na siyang tumawa. At kung hindi rin lang sana inaagaw ang atensiyon niya ng kagandahan ni Sam.
Just remembering that moment when he carried her to his car—feeling her soft, young body against his—made him feel hot.
Oh, damn!
"Ikaw siguro si Nathaniel Figueroa."
Isang nakangiting lalaki ang nalingunan niya. May malaking pagkakahawig ito kay Sam.
"Kaya pala pamilyar ang mukha mo, nakita na kita sa magazine na binili ng bunso namin. Ako nga pala si Roger Adriano," pakilala nito. "Ako ang may-ari nitong shop."
Tinanggap niya ang nakalahad nitong palad. "'Nathan' na lang."
"Kapatid ko ang nakadisgrasya sa sasakyan mo."
"Ah, wala iyon. May kasalanan din naman ako sa nangyari, eh."
Kunot-noo nitong pinagmasdan ang sasakyan niya na nasa labas ng talyer. Napailing ito nang marahil ay makita ang malaking gasgas sa gilid niyon.
"Sayang. Maganda pa naman." Muli siya nitong binalingan. "Ako na ang humihingi ng dispensa sa ginawa ni Samantha. Pati pala ikaw ay nadamay sa topak niya. Gawain na kasi n'on ang magpalipad ng sasakyan kapag mainit ang ulo."
Hindi lang pala gerera si Sam, mahilig din palang makipaghabulan kay Kamatayan.
That only meant one thing— she was trouble. Big trouble with a capital T.
"It's nothing," aniya. "Right now, ang gusto ko lang ay makuha ang lisensiya ko. I don't have any plan of spending a day in jail dahil sa traffic violation."
Nagka-record tuloy siya nang dahil sa babaeng iyon—driving without license and color coding violation.
"Tungkol nga pala riyan—" may kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito. "here's your license. Huwag mo na ring alalahanin ang sira ng FX ni Sam. At bilang kabayaran sa perhuwisyong inabot mo nang dahil sa kanya, I'll fix your car. Free of charge."
"Are you sure? Nakakahiya naman yata 'yon."
"Kulang pa nga iyon sa ginawa ni Sam," anito. "Iwan mo na lang dito ang kotse mo at phone number. Itatawag na lang namin sa iyo kung kailan mo puwedeng kunin ang sasakyan mo. Don't worry, ipahahatid na lang kita kay Sam pauwi."
"Ah, no thanks." I still want to live. "Tingin ko naman, eh, masusundo ako rito ng isa sa mga kaibigan ko."
"I wouldn't mind having you and your friends here. Basta wala lang reporter na nakasunod sa inyo."
Tumango lamang siya. Pagkuwan ay nagpaalam na itong aalis sandali upang kausapin ang isang mekaniko. Muli siyang tumango rito.
Hindi niya ito masisisi kung magdalawang-isip man ito sa presensiya nilang magkakaibigan doon. Sa mundong ginagalawan nila, they were considered high-profile personalities. They were not actors nor politicians. They were just ordinary guys with big-time businesses.
Yeah, they were ordinary people until they were featured in a magazine as the most elegible bachelors in the Philippines. In an instant, naging paborito silang subject ng media. Their lives had never been the same since then.
Tatawagan niya ang sinuman sa tatlo niyang kaibigan. At kung sino ang libre nang mga sandaling iyon, dito siya magpapasundo. Hindi naman siya nahirapan dahil nakontak agad niya si Thad na nang mga sandaling iyon ay walang ginagawa.
He was just turning off his cellphone nang dumating si Sam. Naka-white T-shirt na ito at simpleng maong pants. But even in that outfit, she still looked— Tinitigan niya ito nang husto habang papalapit ito.
Looked what? She was not very attractive but there was something in her that really caught his attention. Maybe it was the way she carried herself, proud and full of confidence.
"Hi again!" Tinaasan siya nito ng kilay. "Hindi ka makatiis na hindi ako makita, ano?" Bumuntong-hininga ito. "Anyway, nagpunta ako rito para alamin kung naglaho ka na. But as it turns out, isa ka palang marijuana."
Napakunot-noo siya. "m*******a?" Mukha na ba siyang addict?
"Oo. m*******a. As in masamang d**o," sagot nito. "Totoo nga pala ang kasabihan na ang masamang kabayo ay matagal mamatay."
Matagal bago iyon rumehistro sa kanyang utak. "Oh, ang ibig mong sabihin, ang masamang d**o ay matagal mamatay?"
Damn! I'm slow.
"Eh, gasgas na ang kasabihang iyan, ano!"
"Sam, ginugulo mo ang kultura ng Pilipinas. Pinaghahalu-halo mo pa ang mga kasabihan natin," natatawang komento niya rito.
"Eh, gusto ko ng masamang kabayo, pakialam mo ba?" iritado nitong wika. "Besides, I like mixing things up."
Tuluyan na siyang napahagalpak ng tawa. Tila naman ito nainsulto sa naging reaksiyon niya kaya nagmartsa ito papasok sa opisina ng kuya nito.
What a woman! Kanina lang ay gustung-gusto na niya itong paluin dahil para itong bata kung umasta. Pero nang mga sandaling iyon ay parang gusto niya itong halikan.
What?! Daig pa niya ag binuhusan ng nagyeyelong tubig sa isiping iyon. Saan ba nanggaling ang ideyang iyon?
You're crazy, Nathan. And you need your head checked.