Mayro'n palang sekretong silid ang kweba. Maang na nilibot ni Dhoy ng paningin nito ang kabuoan ng silid. Maganda naman ito, parang hindi loob ng kweba. May isang kama at may mga palamuti rin. "Gusto mong iligtas ang buhay mo? Kaya sumapi ka sa amin? Kaya trinaydor mo pati sarili mong kaibigan? Tama ba?" diretsahang tanong ni Lheizel. Nakatalikod ito kay Dhoy. Hindi umimik ang sundalo. "H'wag ka lang sanang magkakamaling traydorin din kami dahil alam mo na ang mangyayari," dugtong ni Lhiezel. Nakuyom ni Dhoy ang mga palad nito. Naging malikot ang mga mata nito. Kung gugustuhin nito ay puwede na nitong patayin ngayon ang Lheizel. Pero kapag ginawa nito ngayon ang naiisip, eh, baka manganib lalo ang buhay nila ni Vhon. "Pero kung magiging tapat ka. Ituturin nga kitang asawa," sabi pa ni