KINABUKASAN ay maagang nagtungo ang tatlo sa NBI headquarters, dahil ito ang unang araw ng kanilang misyon. Nang dumating sila sa headquarters ay nadatnan nila sa harapan ang isang bagong van na kulay itim. Naroon na rin ang tatlong kasama nila na kasalukuyang nakaupo sa gilid. At maya-maya pa ay lumabas si Chief Dorothio Lorenzo. "Sandoval," sambit nito. "Chief!" tugon naman nilang tatlo at sabay silang nag-salute. "Ito na ang sasakyan na gagamitin ninyo, may mga gamit na rin sa loob." "Salamat, Chief." "Ready na ba kayo?" tanong ni Aerron sa dalawang lalaki at isang babae." "Yes, Sir!" Let's go!" aniya rito. Sa van sumakay ang tatlo at ang isa doon ang nagmamaneho. Unang umalis ay ang sasakyan ni Aerron, samantalang nakasunod naman ang mga kasamahan nila. "Aerron, ano pal