BANGS Kahit masakit ang kasu-kasuan ko sa dami ng ginawa ko kahapon sa part-time job ay pinilit kong bumangon para pumasok sa law office. Nag-stretching ako bago inabot ang tuwalya na nakahanger. Si Janet ay tulog pa nang matanaw ko sa taas ng double deck. Mukhang kauuwi lang n'ya galing trabaho. Pang-gabi kasi s'ya sa call center. Supervisor s'ya doon at usually ay alas s'yete ng gabi hanggang alas tres ng umaga ang shift n'ya. Minsan naman ay nine ng gabi hanggang alas singko ng umaga. Depende sa hinihingi ng kompanya. Ang alam ko ay nasa Canada ang sinusupport nilang company. Bell yata 'yon. May internet, cable at kung ano-ano pa. Matapos akong makaligo ay binalot ko ng towel ang aking buhok. Minsan ay naiisip kong ipaputol na ng maiksi ang buhok ko para hindi ako mahirapang magtuyo

