BANGS When Georgina answered me, mabilis s'yang humakbang palayo sa amin ni Cam. Para s'yang napaso nang marinig ang tanong ko. Iilang minuto ko pa lang s'yang nakikilala pero balot na balot na s'ya ng misteryo. At sabihin na natin na lukso ng dugo, but I felt the need to know her. I don't even know how old she is. To help her? I don't know. Pero naniniwala ako na may dahilan kung bakit dinala ako ng mga paa ko dito. Lahat ng mga nangyari sa buhay ko simula nang makilala ni Nanay si Tatay. Si Aunt Katerina na kapatid ni Tatay at ina ni Kons ay kadugtong ng kwento ng nakaraan. Dahil sa kanya ay nagsimula ang hidwaan ng dalawang pamilya. At sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakilala ko si Cam sa Maynila, na kapatid pala sa ama ng pinsan ko. At kahit sabihin ng lahat ng masyadong malaki

