BANGS Kahit gusto akong patulugin ni Tatay sa bahay nila ay nagpilit akong umuwi sa tinutuluyan namin ni Cam. Mama is still not home. Nag-eenjoy daw ito sa paglabas nila ng Papa ni Cam. It helped that none of them are in a relationship. They are free to do what they want and if they rekindle their romance once more, I think that would be great for the both of them. And also on Cam. Mabubuo ang pamilya n'ya kahit pa may edad na ang kanyang mga magulang. Ang alam ko ay hindi nag-asawa si Sir Stan, pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi n'ya binalikan si Mama. They could have raised Cam together. Wala namang balakid. At least, iyon ang alam ko. "You're spacing out. May problema ba?" tanong sa akin ni Cam. Kararating lang n'ya at nagmamadaling umuwi noong sinabi kong nasa bahay n

