BANGS Pagkatapos akong sabihan ni Bing na walang utang na loob ay ibinalik n'ya ang telepono kay Delfin, kaya nagtanong ako sa kanya kung ano talaga ang nangyari. "Kailan pa si T'yang nagsusugal? Maayos naman ang pamumuhay nila noong bago ako umalis, hindi ba? Nagpapautang pa nga s'ya at pati ako ay nilagyan ng interes noong nagkasakit si Nanay." Nagulat ako sa mga nangyayari dahil wala sa hinagap ko na malululong sa sugal si T'yang. Medyo maluho s'ya katulad ng mga anak n'ya pero may kabuhayan naman si T'yong kaya kung gusto nilang bumili ay pwede. "Hindi ko rin alam kung kailan nagsimula pero ilang buwan pagkaalis mo ay usap-usapan na s'ya dito na inuumaga ng uwi. Madalas ay kasama n'ya 'yong pinsan mo na si Benedict. Ito namang si Belle at Bing ay madalas magparty sa Calapan kasama

