BANGS | PHILIPPINES Mainit ang dapyo ng hangin na sumalubong sa akin. Sa loob ng labing isang buwan ay wala pa rin nabago sa hitsura ng paligid. Ganoon pa rin kalamlam ang ilaw sa mga poste. Maingay pa rin ang tambutso ng mga sasakyan. At ang mga airport ay puno ng mga taong may halo-halong emosyon sa kanilang mga mukha. Magkahalong lungkot at saya. Hindi pumayag si Lucian na hindi namin gagamitin ang sarili n'yang eroplano. Wala s'yang tiwala sa mga tao sa paligid at mas kampante s'ya kung kami lang ang lulan nito. Pabor ako doon dahil kasama ko si Grant, at mahirap kapag nagkagulo. Wala kaming tatakbuhan sa eroplano. I have Grant on a baby carrier at mahimbing ang tulog n'ya. Excited na akong makita s'ya ni Cam. I'm sure there's nothing going on between him and Annika. Kumbaga ay pa

