Tyler Vasquez Kasalukuyan akong nasa Pangasinan nang tawagan ako ni Mommy. Binalita niya na pumutok na ang panubigan ni Deserie. Dahil sa biglaan panganganak ay sumama na sa akin sina Nanay at Tatay na nag-aalala para sa kanilang anak. Hindi nawala ang takot at kaba sa aking puso. Gustuhin ko ‘man makauwi at paikliin ang oras ng byahe namin ay hindi naman maaari dahil kasama ko ang magulang ni Deserie. Ayoko naman madisgrasya pa kami dahil sa pagmamadali ko na makita ang aking asawa. “Tyler! Kumalma ka nga at pati ako ay kinakabahan rin sayo. Pati ako ay hindi mapalagay ang loob dahil sa reaksyon mo!” Dinig kong sabi ni Nanay na nakaupo sa likuran. “Kaya ‘yan ng asawa mo!” “Alam ko naman po iyon, ‘Nay! Hindi ko lang maiwasan mag-alala dahil biglaan ang panganganak niya.” “Marahil ay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books