Tyler Vasquez “I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your wife.” Ang sarap pakinggan ng mga katagang iyan. Isang patunay lamang na pinagbuklod ng diyos ang dalawang taong nagmamahalan. Dito na magsisimula ang panibagong yugto ng kanilang buhay upang hubugin ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa. At sa mga darating na araw na iyon ay hanggad ko ang payapa at panghabang buhay nilang kaligayahan. “Congrats, Dude!” bati ko kay Kendric. Tumingin naman ako sa katabi niyang babae. “Tomboy, congratulation.” Wala akong ibang masabi kundi iyon lang. May mga pagkakataon na hindi kami magkasundo ngunit dadating ang panahon na magiging maayos rin ang samahan naming dalawa dahil sa kani-kaniya naming mga kaibigan. Nagkaroon ‘man kami ng gap because of Scarlet ay unti-unti ko naman s