Deserie 'Andeng' Salvacion Aligaga akong nag-aasikaso sa paghahanda ng mga pagkain. Pinalinis ko rin ang garden at pinalagyan ng mga ilaw para sa simple dinner mamaya ng aming pamilya. Ayaw ko naman mapahiya kay Chiarra sa pagbisita niya rito sa aming bahay. Bukod pa roon ay ito ang unang beses na magkakaroon kami ng bonding sa pamilya ni Sandro. Naiintindihan naman ako nila Alex, Mommy at Daddy kung hindi ko sila naaasikaso. Katuwang ko pa nga sila sa pag-aalaga kay Tatay kahit sa mga simpleng paraan lang. May mga pagkakataon nalilibot ko sila sa aming farm kaya’t nalilibang sila. Malapit lang rin ang dagat kaya sunog na sunog na si Alex kakaligo roon kasama ang aking ilang kamag-anak. “Erie, I didn’t expect that your family would be caring, hospitable and respectful.” Saad ng Mommy ni