Kabanata 20 Kahit na hindi ko naman sinasadya padabog kung nahila yong upuan sa tabi ni Kenzo kaya lahat sila napatingin sakin. Don lang ako natauhan. "Sorry po! Medyo mabigat kasi." At para akong timang na tumawa tawa pa. "Aww so careless, dapat ata Tita..." At saka bumaling si Marga sa Mommy. "Ienroll mo din si Selena sa charm school." Napakunot naman yong noo ko sa sinabi ni Marga. Ano yong charm school? Hindi ko inaasahan na nakabantay din pala siya sa magiging reaction ko. Nakangisi siya sakin at saka mayabang na sinabi kung ano ba yong charm school. "That's a finishing school for young women that focuses on teaching social graces and upper-class cultural rites as a preparation for entry into society. In the United States it is sometimes called a charm school." Tuloy tuloy niyang