Bad trip talaga, sarap na sarap na siya sa paliligo dahil na-miss niya na talaga ang magbabad sa bathtub tapos biglang sisigaw ang ulikba na iyon. Napagkamalan pang kumunoy iyong kama, sabagay medyo kakaiba kasi ang lambot ng kama sa taas. Iyong para bang kapag humiga ay animo lulubog ka sa sobrang lambot kaya napagkamalan na kumunoy ng babae pero nakakatawa lang dahil sa sobrang kainosentehan nito ay nagmumukhang t*nga ito palagi. Iyon nga lang hindi rin naman niya nasabi dito kung ano ang tawag doon at kung para saan ginagamit ang kama. Hindi talaga niya alam kung hanggang kailan niya ito hahayaang manatili sa kanilang bahay pero dapat maturuan na niya ito ng mga pasikot-sikot para naman hindi ito magmukhang t*nga palagi. Lalo siyang pagtawanan ng kanyang mga pinsan kapag nalaman

