“Hay salamat po Mahal na Bathala, tumigil na ang pagsusungit ng panahon maaari na kaming makapaglakbay pababa ng bundok.” Wika sa sarili ni Ellerie sa sarili habang nakamasid siya sa butas sa itaas. May butas doon sa kweba na sadyang tinitingnan niya kung patuloy pa rin ang umuulan. Naaawa siya sa kanyang asawa na namamaluktot sa lamig hindi rin naman maaaring magdala siya ng maaaring pangtaklob sa katawan nila dahil mababasa rin iyon ng ulan. Nagkataong wala ring mga kahoy na nasa loob, kapag namamalagi sila doon ni Masong nagdadala talaga sila ng kahoy na tuyo mula sa labas ng kweba para sindihan panlaban sa lamig at gawin na ring liwanag sa gabi. Kung pwede lang sana siyang magdala ng dahon ng malalapad na saging na mula sa kanilang tribu ginawa na sana niya, kaya lang sa lakas n