Agad na nagtampisaw si Charles sa tubig at para makalayo agad kay Ellerie at mapawi din ang init na naghahari sa kanyang katawan ng mga sandaling iyon. Natatakot kasi siya na makagawa pa siya ng isang bagay na pagsisisihan lamang din niya sa huli. Ang nangyayari kasi, habang ginagawa iyon sa kanya ni Ellerie, kung ano-ano ng naghahari sa kanyang isipan. Para bang mas nais niyang higitan pa doon ang nais niyang gawin. Pakiramdam niya ay nadadarang siya, natitiyak niya kapag hindi pa siya lumayo sa babae ay mangyayari ang hindi dapat mangyari sa kanila. At iyon ang hindi niya pahihintulutan ayaw niyang magkaroon ng anak sa isang katulad nito, kahit kailan hindi niya pinangarap na magkaroon ng anak sa isang ulikbang katulad nito. Nagiging mabuti lang siya sa babae dahil nga hindi pa

