Tuliro habang nakamasid lamang si Charles sa buong paligid, nagkakasiyahan ang mga taong nandoroon. Kumakain, nag-iinuman, nagkakantahan ng mga kantang hindi niya batid kung ano ang mga liriko, pero maganda naman pakinggan. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na kasal na siya, na bigla-bigla ay kinasal siya sa babaeng hindi naman niya pinangarap na maging asawa. Nakikita niya na nagkakasiyahan ang mga ito, maging ang lahat ng mga katutubo ay napakasaya hindi magkamayaw sa kagalakan dahil naikasal na ang prinsesa ng mga ito. Pero siya nasa isang sulok lamang, ayaw niyang makipaghalubilo sa lahat dahil may bumabagabag sa kanyang kalooban iyon ay ang paghalik niya kanina sa kanyang bride. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil kung bakit ba naman tila ba na gustuhan niya ang