“Mag-iingat kayo anak sa inyong paglalakbay. Nawa'y gabayan kayo ng Bathala na makarating ng ligtas sa inyong paroroonan. at nawa'y maging maayos ang iyong pamumuhay sa bagong lugar na iyong titirhan at sanay maging ligtas ka palagi. Mahalin mo ang iyong asawa, ay sana ay mahalin ka rin niya gaya ng pagmamahal namin sa iyo ng iyong ama. At nawa'y maging malusog at mapagmahal ang iyong mga magiging supling. Kung hindi man tayo magkita muli anak sa mundong ito, sana man lang kapag dumating ang araw na tayo ay nasa kabilang daigdig na. Sana kahit doon ay magkita-kita tayo para maalagaan pa rin kita na hindi ko nagawa dito sa mundo natin. Palagi mo sanang tatandaan na mahal na mahal kita.” Maluha-luhang wika ng ina ni Ellerie. Katabi nito ang asawang hari at maging mga kapatid nito na itinut