"AY HINDOT!" gulat niyang sabi ng biglang may humarang sa pagsarado sana ng elevator. Mabuti na lamang at hindi nito napansin o narinig ang binigkas niya. Pumasok ito sa loob na tila ba hindi siya nakita o kilala. Hindi niya alam kung sinasadya ba nitong madunggol siya sa katawan para lang mapansin niya. Ang lalaking sa likod ng ka guwapuhan nito doon nagtatago ang pagka asal hayup nito at kakriminalan nito! Tumindig siyang mabuti at tila walang pakielam sa pumasok, tila ba hindi sila magkakilala ganoon kanina nag daop palad pa sila. Ngayong pumayag na itong ipagbili ang kalahati ng kompanya nito, masisimulan na niya nag balak. At hindi rin maitatangginhg hindi ito ang una at huling magkikita sila ni Von. Kailangan na niyang masanay, ito ay nasa plano ng paghihiganti niya. Walang kibo