"DADDY naman, eh!" matapos lumabi ito na tila iiyak. Nagising siya sa isang malakas na sampal ni Miya, pero tila ba mas nabuhay ang dugo niya ng marinig niyang may tinatawag si Miya, nagtatakang napatitig lamang siya sa anak habang iniyuyugyog nito ang kumot na mabilis na nitong hawak at akmang aalisin. Inumpisahan na siyang kabahan, halo-halo na ang nasa isip kung nasa asan ba siya at bakit naandoon siya ngayon. Magulo man ang nangyayare inignora niya ang mga iyon at agaran din naglaho ang mga katanungan nang magpasya siya. Pakiramdam kase niya tila ba nanghihila sa dalawang kamay niya na iangat ang kumot. Dahan- dahan niyang binaba ang kumot kasabay ng dibdib niyang hindi mapigilan ang kaba. Ganoon na lamang nanlaki ang dalawang mata niya ng mapagtanto kung sino ang nasa likod 'non.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books