CHAPTER 31: "Saan ka galing?" Tanong ni Gemma sakin. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakakulay royal blue din na gown si Gemma ngunit mas kita ang dibdib niya kaysa sa akin. Nakapulupot ang isang kamay ni Evans sa beywang ni Gemma. "Sa powder room lang." Tumango tango si Gemma saka nilingon ang likuran ko. "Sir Karlo, nandito ka rin? Tsaka kasabay ka namin kanina ah." Nagtatakang tanong niya. "He's my bussiness partner babe. Is he your boss?" Sagot ni Evans kay Gemma. "He's my ex boss, babe." Nilingon kami ni Evans. Nakita ko ang pagbabago ng tingin ni Gemma kay Karlo. Kanina ay masaya ang mga mata niya 'nong nakatingin pa si Evans sa kanya ngunit napalitan iyon ng galit. "What a coincides though!" Nakangiting sabi ni Evans. Tumawa rin ng mahina si Gemma. Hindi iyon normal sa ka