CHAPTER 10: BAKA NGA. Kinabahan ako sa posisyon namin ngayon ni sir. Paanong hindi ako kakabahan eh, nakaupo lang naman ako sa hita niya habang nakaupo siya sa sofa. Itinukod ko ng maayos ang dalawang kamay ko sa dibdib niya para makatayo na sana, pero hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit lalo sa kanya. Pinaghiwalay niya ang dalawang hita ko sa gitna ng hita niya kaya nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. "Sir!" Hiyang hiya na ako. Siguro sobra sobra na ang pamumula ng mukha ko ngayon. Bago pa ako makapagsalitang muli ay niyakap niya na ako ng mahigpit. Sobrang higpit na halos ayaw niya akong pakawalan. Buong katawan ko ay sakop ng mga braso ni sir Karlo. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat, bolta boltaheng kuryente