CHAPTER 7: COOKING TEACHER. "'Yan, igisa mo muna yang bawang, sibuyas tsaka mo ilagay ang karne." Nakaupo si sir sa silya habang pinapanuod akong maggisa ng sibuyas at bawang. Tinuturuan niya akong magluto ng adobo. Sabi niya kasi, basic daw muna ang ituturo niya dahil hindi daw pwede sa baguhan ang mga kumplikadong lutuin. Nilingon ko si sir dahil nakatalikod ako sa kanya. Kumunot ang noo ko ng nakatingin sya sa ibabang bahagi ng katawan ko. Paa ko ba ang tinitingnan niya? "Sir?" Mabilis niyang inangat ang tingin niya sa akin at parang nahiya. "B-bakit?" Utal niyang tanong sa akin. "Ano na pong sunod sa paggisa nito? Nailagay ko na ang karne." Tumango siya at lumapit sa niluluto ko. Kinuha niya ang sandok sa akin. "D-doon ka na lang muna, panuorin mo na lang ako. Para sa susunod