EPILOGUE: "Finally home!" Masayang nilanghap ko ang polusyon sa Pinas. Kahit mausok ayos lang, miss na miss ko na talaga ang Pinas eh. "It's so hot here." Reklamo ni Mckenzie. Nilingon ko s'ya na ngayon ay pinunasan ang nakakunot n'yang noo na puno ng pawis. Dahil girl scout ako, inabot ko sa kanya ang face towel na hawak hawak ko kanina pa. Kinuha n'ya naman iyon at ipinunas sa kanyang noo. Umakbay sa akin si Karlo at sabay kaming naglakad papasok sa kotse na sumundo sa amin. "We're going to visit Mama and Papa." Sabi n'ya. Tumango ako at nilingon ang bintana saka pinagmasdan ang labas. Wala paring pinagbago, traffic parin sa EDSA. Inabot kami ng halos dalawang oras bago nakarating sa bahay nila Mama at Papa. Si Mckenzie, badtrip na badtrip na. Pinagbuksan kami ng gate ng Mayord
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books