FLOWERS, balloons, lights, and music. All is set. Tinignan ni Jaden ang buong paligid kung saan siya magpopropose sa kasintahan. Maging ang entablado ay maayos na rin. Ang buong garden na iyon ay puno ng iba't ibang pa-ilaw. At ang dinner table nila ay napapaligiran ng flowers na nakaipit ang ilan sa mga masasayang larawan nila noon at hanggang sa kasalukyan nilang pagsasama. Even the songs he want to play for her ay pinaghandaan nya talaga. Ilang araw nyang pinaghandaan iyon at pinag isipan.. Ilang sandali pa ay tumatawag na si Ella sa kanya at sinabing naroon na ito, sinabihan nya itong pumasok na habang tinatago ang kaba sa mga boses nya. He sighs deeply. This is it Lord.. ELLA walks around the garden of Castroverde's clubhouse. May sariling village kasi ang pamilya ng kasintahan

