KINABUKASAN ay ginawa nya ang morning routines nya at naglakadlakad sa dalampasigan kasama si Bamby. Pero nagtatakbo ito at walang tigil sa pagtahol sa lalaking nakasuot ng floral na polo at nakashades ito at balanggot. Mayroon itong makapal na bigote at mukhang mahaba rin ang buhok. "Bamby stop!" Bawal nya sa aso at tumigil naman ito. "Mister I'm sorry. Ayos ka lang ba? Hindi ho kase sanay sa ibang tao si Bamby pasensya na po." Paliwanag niya rito. "A-ahh. Y-yes I'm okay. I'm okay." The man said na halos magkautal utal na. "Are you sure Mister? You look so tensed. Natakot ka ba sa aso ko? I'm really sorry po." nahihiyang sabi nya. "N-no. Ayos lang ako.. D-don't worry." Sabi nito at napamura bigla ng hilahin ni Bamby ang laylayan ng suot nitong shorts. Bumaba iyon at nalitaw ang box

