1

1646 Words
"SIR JADEN! Kanina pa po kayo hinahanap ni Nanay ninyo." Sambit ni Aling Gina, isa sa mga kasambahay sa bahay ng mga de Vera ng makita nito si Jaden sa sulok ng garden. Isang linggo na ng makauwi ng Pilipinas si Jaden pero hindi ito kumakausp ng kahit na sino maging ang mga magulang nya. Wala itong ginawa kung hindi ang magmukmok at mapag isa. Nanatili ito roon hanggang sa naramdaman niyang may humaplos sa kanya at yumakap mula sa likod. "Miss ko na si Baby ko." Paglalambing ni Jia sa anak. "I miss you too po." "Kung ganon pala, bakit nagmumukmok ka dito at panay ang iwas mo sa amin? You know it hurts me Baby boy." "Sorry po Nay.., " Bulong nito habang nakayakap na rin sa ina. "Ang Baby ko talaga... Hindi naman ako galit, but I admit nagtatampo ako, because my baby has this someone at hindi na lang si Nanay ang babaing love niya. " sambit nito at mahinang tumawa. "Nanay hindi na ko baby, malaki na ako." Sagot nito. Kahit malaki na si Jaden ay panay pa rin ang lambing sa kanya ng ina dahil nag iisang anak lang siya nito. Though he had a half sister ay hindi ito ganoon kalambing sa ate niya.  He always treat like a baby kapag silang dalawa lang, but he love it anyway dahil si Nanay Jia niya na yata iyong pinaka malambing, maalaga, maasikaso at maunawaing babaing nakilala niya. Malayo sa kwento ng Tatay nito na masungit at astiging babae daw noon, but she's a cool Mom dahil kahit noon pa man sinasakyan niya lahat ng trip ng anak. Ang Tatay Yvan nga lang niya ang madalas na KJ. "23 ka pa lang Prince Jaden De Vera! Bakit mag aasawa ka na ba?! At ayaw mo na magpa baby kay Nanay?" Nagtatampong wika nito. "Nay, ako dapat nagmomoment dito diba? Kasi ako yung iniwan ng girlfriend?" Pabiro niyang sagot just to lighten up their mood. Alam niya kasing alalang alala na rin ang mga magulang nya sa kanya. Kaya nga naguguilty din siya dahil iniwan niya ang mga ito kahit pa against ang mga ito noong una. Ngunit, tinanggap pa rin siya ng mga magulang na parang walang nangyari ng makabalik siya.  "Oo nga pala. Anyway gusto mo bang pag usapan? It's been a week since lagi kang malungkot." Napalitan na ng pag aalala ang mukha nito. "Nay... " Nag hehesitate pa rin siyang iopen ang nangyare sa Paris dahil mabigat pa rin sa dibdib niya na iyong unang babaing pinag alayan niya ng lahat ay madali lang pala siyang bibitawan? "Jaden, you know that I'm not just your mother. Diba sabi mo noon we are like best friends? Come on baby, I'm willing to listen." Malambing na sambit ni Jia at hinawakan ang kamay nito. He sighed before he speaks. "Iniwan niya po ako Nay, for some shallow reason." Irap niya sa hangin at bumuga ng malalim na hininga. "May mali ba sakin Nay? Do I really need to change myself and my beliefs just to fit in? Binigay ko naman lahat, sinunod ko lahat ng gusto niya. Kasi diba pag mahal mo, you will do everything to make them happy right? Pero bakit po ang hirap at ang sakit ng balik?" Pagpapatuloy niya kahit pa puro negatibo ang masabi niya. "A-ang sakit na hindi pala niya ako ganoon mahal, pampered at attracted lang pala siya sa akin. I thought she's the one. Nay, I even sacrifice my job and dream here para lang masuportahan ko siya dun sa career niya." Muling bumalik kay Jaden ang mga naisakripisyo niya mapasaya lamang ito. " I failed to be a good son sa inyo po ni Tatay, para maging good and best lover to her, pero hindi pa pala ako sapat. 6 months lang iyon Nay, pero halos mundo ko na ang naibigay ko sa kanya. Kaya parang wala nang natira sakin. Wala na, hindi ko na alam ang direksyon ko..." pagpapatuloy niya. Ngayon lang nito nailabas lahat ng kinikimkim niya sa loob ng isang linggo and he didn't hear any single word from his Mother instead of scolding him she lovingly hug him na parang kinukuha lahat ng bigat sa dibdib nito. "Sorry po Nanay... I failed you, because I fall in love." "Shhhhh.. Hindi mali ang magmahal anak, ang mali lang ay iyong taong minahal mo." Hinarap siya nito at pinunasan ang mga luhang naglandas sa mukha nito. "Remember what I've always told you? We learn from our mistakes. Hindi ko sinasabing dapat hindi mo siya minahal ng sobra. Siya iyong may pagkakamali anak, hindi ikaw and you do not need to change yourself. I know soon, there is someone out there who will love you for who you really are." She said habang nakaakbay sa kanya at inihilig ang ulo sa braso niya like she always does noong bata pa ito. "But is it necessary to be hurt when you love?" Tanong ni Jaden sa ina.  "Maybe? Kasi hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka masasaktan kapag nawala siya. Gaya kami ng Tatay Yvan mo, tinanong ko rin iyan noon ng sinubok ang love namin sa isat-isa. But you know what, kung kayo talaga at the end kahit nasaktan ka ng matagal kayo pa rin sa huli. Before you were born kami ng Tatay mo naging battle namin noon ang oras. Naging mabilis ang lahat, walang getting to know each other kasal agad." She chuckled bago nagpatuloy. "Kaya hindi namin noon napaghandaan ang problema namin individually. Yes we love each other, pero hindi pala sapat yung love na iyon kung individually marami kaming hang ups na nakakadamay pa kami sa isa't-isa. " kibit balikat ito. "So, your Tatay waited for me to heal my own Giant and fear. At nung siya naman iyong may hang-ups we separated for 4 years, but it doesn't mean na hindi na namin mahal ang isa't isa." Pagkwekwento nito at siya naman ay matiim na nakikinig. "Iyong mga oras na walang kami, ginamit namin iyon para maging better kami personally. Hindi dahil gusto naming maging karapatdapat para sa isat isa, kung hindi para sa sarili namin upang malaya na naming mahalin ang isa't-isa ng walang kanya kanyang bigat na dinadala." Nakangiting sambit ni Jia. Jaden knows that they were just arranged marriage at nagkagustuhan lang, but ngayon lang nito nalaman ang maraming conflicts ng akala niyang perfect example ng love, like his parents. "Masarap magmahal. Even if it hurts sometimes, if it is true love... that person you will love is all worth the pain. Lagi mong tatandaan na hindi mali ang magmahal anak. Keep loving. I know soon, God will give what you deserve." She holds his hand. "At wag mong isiping walang natira saiyo, nandito ako. Nandito kami ng Tatay mo, mga tito's mo at ang buong angkan natin para saiyo. And you never fail us, hindi ba lagi lang kami nakasuporta ng Tatay Yvan mo saiyo? Because we love you so much baby, mas mahalaga ka sa amin higit sa kaya mong ibigay sa amin. You are not alone." She lovingly said. Jaden felt so loved again, he is so lucky to have his supportive parents. Siguro nga hindi ito maswerte sa pag ibig ngayon, pero hindi naman siya nagkukulang sa pagmamahal ng mga taong mahalaga sa kanya gaya ng kanyang pamilya. Nanay is right mali lang siguro ang taong pinag alayan ko ng pag ibig ngayon. I just hope na ang susunod na babaing mamahalin ko na ay ang taong magmamahal din sa akin gaya ng pagmamahal na ibibigay ko sa kanya. He thought. "Salamat po." This time he smiled in relief. Hindi naman ganoon ka-instant mawawala ang sakit na dulot ni Aria sakanya, but he knows he can get over this because of those people who really loves him. His family.  "Uyy ano iyan? Hindi ninyo man lang ako isinasali jan. Group hug!" Singit ni Tatay Yvan niya halatang kakagaling lang sa kompanya dahil naka three piece suit pa ito. Nagkatawanan silang mag-ina ng nakiyakap na rin si Yvan. "I'm I too old for this?" He joked. "Of course not Baby. You are forever our baby!" Masiglang sabi ni Jia sa anak at pinaulanan ng halik sa mukha gaya nung bata pa ito. "Tatay! Si Nanay ohh!.." Sumbong nito sa ama. "Hon. Malaki na iyong anak natin. Ako na lang lambingin mo dali." Sambit ni Tatay Yvan niya na taas baba pa ang kilay. He always do that to tease her Nanay. "Heh! Bakit ngayon ka lang lalaki ka?! It's already 6 pm! At diba 5 pm lang ang office hours?!" Sigaw ni Jia sa asawa niya. "Hon. Traffic kanina at medyo nalate din ng konti iyong board meeting kanina. Itanong mo pa kay Steve or kay Denise!" Depensa naman ng asawa na nakayakap na rito. "Are you sure? Tawagan ko man?" "Opo. Nga pala iyong kiss ko? Kanina pa ako nandito hindi mo man lang ako nai-kiss?" Mabilis na hinalikan ni Jia si Yvan sa labi bago hinila ang anak nito papasok sa bahay. "Hon naman. Bakit bitin? Iyong matagal naman! Abay hindi mo ba ko namiss? Iyong anak na lang ba natin mahal mo rito?" Reklamo pa ni Yvan habang hahabol habol sa mag ina niya. 15 years? Pero ang sweet pa rin nila sa isa't isa, because they love each other. Makikita mo pa rin iyong kislap sa mata nila kapag magkasama, pagmamahal na nag grogrow pa sa bawat taong lumilipas.  Ako kaya? Kailan ko mararanasang maging kasing saya ni Tatay at Nanay, because they found each other. He signed. Hindi ko muna siguro iisipin ang mga ganoong bagay. I must be a good son for my best parents. Jaden thought while looking at his parents lovingly smiled at each other. Because love is not about having a partner but loving others unconditionally.. ===== ©Miss Elie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD