68 "Love, I've devided to enroll Rylie na." Natigilan si Louie sa tangka sana nitong paghigop ng kape. Ibinaba nito ang baso at tinitigan siya. "He's just three, love. Let him just have fun and play." "I know, pero may bagong bukas na playschool sa mall, he won't be studying, just play with other kids his age. Para naman madevelop ang social skills niya," Pagsisimula niya. "I'm sure malilibang siya doon habang nagtatrabaho-" "Who's working?" Tanong nito sa kanya. Tuluyan nang ibinaba ni Louie ang mug ng kape nito sa lamesa habang nakikinig sa kanya. "Uhh, me. I decided, I wanted to go back to work," Kinakabahang sabi niya. Hindi pa nila napagusapan ni Louie ang balak niyang pagbabalik sa trabaho, paladesisyon rin kase siya e. But she really missed her old life. She missed working and