87 "Ate, pinapatawag ka sa school ni Rylie." Ani Mayla matapos nitong ibaba ang mga gamit ni Rylie galing sa school. Doon pa rin ito pumapasok sa labas ng subdivision sa bahay nilang dalawa ni Louie. Hindi niya na kase nagawang ipa-transfer sa ibang eskwelahan ang anak sapagkat kalahati na ng taon, mahihirapan na siyang humanap ng eskwelahan na tatanggap pa kay Rylie. Isa pa, ayaw rin naman niyang isipin ni Louie na inilalayo niya ang bata sa asawa. Silang dalawa lang naman ang may problema, hindi nila kailangang idamay ang anak nila. "Bakit daw?" Tanong niya. Saka niya lang napansin na may sugat sa mukha si Rylie. "Oh my God! Anak, what happened?" Natataranta niyang pinagmasdan ang mukha ni Rylie na may gasgas at namumula pa. "Sabi ng teacher niya kanina, nakipag away daw si Rylie sa