56 Sobrang late na nakauwi si Louie ng araw na 'yon. Hindi na nga siya nahintay ni Celine dahil nakatulog na rin siya kaya hindi niya na alam kung anong oras ito dumating. Naramdaman niya na lang ang nakapulupot na braso ng asawa sa tabi niya at mahimbing na itong natutulog. Amoy alak ito pero hindi naman lasing. Wala rin naman kaseng nabanggit ang asawa na magpupunta ito sa Square one kagabe. Inisip niya na lang na baka may kliyente itong inilabas which is normal. Alam 'yon ni Celine. Hindi naman isang beses lang siyang may inilabas na client noong full time pa siyang nagtatrabaho sa mall. It was fun, meeting a lot of people from time to time. Bigla tuloy niyang namiss magtrabaho. Hinalikan niya sa pisngi ang asawa bago siya tumayo sa kama. She also fixed her side in the bed bago siya