Heira's POV "Ate Heira! Wag mong titigan ang pagkain hindi ka mabubusog nyan." Puna sakin ni Hairu. Habang nasa harap kami ng Lamesa. Nakasuot ako ng School Uniform. Nakahanda na para sa pagpasok sa School. Pero hindi ko magawang galawin ang pagkain na nasa harapan ko. Simula ng huli kaming magkita ni Dark Devil sa Bar na pag-aari ng magulang ni Clarence Miguel hindi ko na ulit siya nakita dahil simula noon. Hindi na siya pumapasok sa School. Kung sabagay mabuti na rin yon upang makapag move on ako. Saglit kong sinipat si Hairu. "Busog ako Hairu kumain ka na lang mag-isa." Sagot ko. "Ate Heira, Paano ka mabubusog kung wala ka namang kinakain. Sigurado ka bang okay ka lang?" Pag-uulit ni Hairu sakin. Tumango ako. "Oo sabi eh, kumain ka na lang dyan!" Inis kong sagot. Tapos muli akong t