Heira's POV "Jusko! Madam! Hindi ko na keri ang babaitang ito. Sayang ang make up na nilalagay ko!!" Inis na reklamo sakin ng Baklang nag mAke up sakin. Lumapit sakin si Nanay na noo'y nakabihis na at nakapag Make up. Tumingin ako sa kanya. "Heira... Ngayon ka pa ba Aayaw? Kung kelan ikakasal kana kay Tyron?" "Nay.. Anong oras ikakasal si John Ace kay Faye?" Huminga ng malalim si Nanay. "Anak, kanina pa ang kasal nila. Katext ko si Ally. Malapit na daw matapos ang kasal ng dalawa." Yumakap ako kay Nanay at humagulgol ako ng iyak. Ang sakit-sakit malamang wala na talaga kaming pag-asang magkatuluyan ni Dark. "Nay... Ang sakit-sakit!" "Tumigil kana anak. Kailangan mong harapin 'to. Ikaw ang pumili nito diba?" Tumango ako. "Mali pala ang naging desisyon ko Nay, dahil hindi ako masaya