John Ace's POV "Nasaan si Jhoace Yaya Chedeng?!" Bungad kong tanong kay Yaya Chedeng ng makita ko siya sa labas ng Makababa ako ng kotse ko. "Nasa loob kasama si Shin. Bakit?" Usisa ni Yaya Chedeng. Hindi ko na sinagot ang tanong ni Yaya Chedeng nagmadali na akong pumasok sa loob ng Mansyon. Kailangan ko siyang makausap. May nakapag sabi kasi sakin na Nagkaroon ng gulo sa pagitan ni Jhoace at Heira gayundin si Faye Erika. Malalaki ang hakbang kong pinuntahan siya sa loob ng silid niya. Eksakto namang bukas ang pintuan ng silid niya. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa loob. Bumungad sakin si Shin at Jhoace na abalang-abala sa paggawa ng Project nila. "Jhoace!" Tawag ko sa pangalan niya. Nilingon ako ni Jhoace. "Ikaw pala kuya. Bakit ngayong ka lang nakauwi?" Tanong niya