Heira's POV Narinig ko ang pagpupumilit bukas ang pintuan ng silid ko sa Mansyon nila Tyron. Mula ng ipakilala sakin si Tyron bilang magiging asawa ko hindi na ako muling nakabalik sa bahay namin. Nagpapasalamat na lang ako dahil may Doble lock ang kwartong ito. Kampante akong hindi nila ako gagawan ng masama habang natutulog ako. "Heira Open the Door!" Palahaw na sigaw ni Tyron mula sa labas ng Pintuan. Nakasimangot akong tumayo upang pagbuksan. Kung pwede nga lang na wag na siyang pagbuksan ginawa ko na. Kaya lang wala ako sa Teritoryo namin. Anumang oras pwedeng-pwede nila akong patayin ng walang nakakaalam. "Anong problema mo? Inaantok na ako!' Inis kong sabi. Matalim siyang nakatingin sakin. Halata sa mukha niya ang inis sakin. "Lumabas ka dyan sa kwarto mo! May bisita ka! Mga ka