Heira's POV; Sa loob ng dalawang araw na magkasama kami ni John Ace, naging masaya ang naging Bakasyon namin sa Baguio. mas lalo pa naming nakilala ang isa't-isa ng magkasama kami sa iisang silid. Sa loob ng pagsasama naming yon. Naging mabait naman siya sakin. Hindi siya nag take advantage sakin. Kahit na marami siya pagkakataong gawin yon sakin. Nakasandig ako sa balikat niya habang nakatuon ang mga mata niya sa Kalsada siya, pauwi na kasi kami ng Manila. "Hippo, bakit ang sweet mo yata ngayon?" Puna niya sakin. Inangat ko ang mukha ko at nakita ko siyang nakangiti habang nagmamaneho. "Sweet naman ako noon pa sayo." "Ows? baka dahil marami kang dalang strawberry." "Hindi noh!" Sabay irap ko sa kanya Pagkatapos muli akong sumandig sa dibdib niya. nagustuhan ko na kasi ang sumiks