Heiras's POV "Welcome Ate Ineng!" Nakangising bati sakin ni Shawn Skyler. Nakatayo si Shawn at si Tito Frits sa harapan namin. Sinadya nilang hintayin kaming dalawa ni John Ace. Siniko ko si John Ace. "Bakit Ineng parin ang tawag ng kapatid mo sakin?" "Inaasar ka lang nya. Hayaan mo na asawa ko." Sagot ni John Ace sakin. Muli akong humarap sa kanya. At pilit akong ngumiti. "Salamat Shawn. "John Ace, Ihatid mo na siya sa silid niya." Ani Tito Frits, "Dad, hindi po kami magkasama sa kwarto?" Tanong ni John Ace. Yumuko ako bigla kasi akong nahiya sa pinaguusapan nila. Parang feeling ko kasi ang landi ko dahil ang maaga kong nag-asawa. Naramdaman ko ang pagpisil ng kamay ni Dark Devil sakin kung kaya't napalingon ako sa kanya. "John Ace, masyado pang bata si Heira para magkaroon kayo