Heira's POV "Heiraa!!" Bigla akong napabalikwas sa Sigaw na yon. Halos muntik na akong madapa dahil sa pagmamadali kong lumabas ng Silid ko. "Sunog! Sunog!" Sigaw ko din. Isang malakas na paghampas sa Ulo ko ng Dyaryo ang tumama sakin. Mabilis kong hinawakan ang ulo ko dahil sa hampas na yon. "Arayy!" "Anong pinagsasabi mong sunog Heira?" Nakataas ang kilay ni Nanay habang nakatingin sakin. Nakapameywang pa siya sakin. Sumimamgot ako. "Nay.. bakit nyo ako himampas?!" "Paanong hindi kita hahampasin? Sumisigaw ka ng sunog." "Eh, kasi naman Nay, nagising ako ng bigla may narinig akong sumisigaw ng sunog." "Abah! Pinagkamalan mo pang Fire alarm ang Pag gising ko sayo. Tinatawag kita dahil tanghali na hindi ka pa bumabangon." "Ganon po ba? Inaantok pa kasi ako Nay," sabi ko. Si Dark D